Nagpapanggap na doktor sa loob ng 20 taon, arestado

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 61-anyos na lalaki, na nagbibigay ng reseta, konsultasyon, at nag-deliver ng mga sanggol sa nakalipas na 20 taon nang wala namang lisensya.

Ito’y matapos magsumbong ang dating tauhan ng suspek na kinumpirma na hindi lisensiyadong manggagamot ang dating amo nito.

Ayon kay NBI Public Corruption Division Chief Atty. Cath Nolasco-Illescas, bukod sa pagbibigay ng mga medical consultations ay nag rereseta rin ito at nagtitinda ng gamot sa kanyang klinika.

Saad ng suspek, dalawang beses siyang nag-Medical Licensure Examination ngunit hindi nakapasa sa parehong pagkakataon.

Nahaharap ang suspek sa maraming reklamo, kabilang na ang paglabag nito sa Medical Act at Philippine Pharmacy Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *