Sinalakay ng mga pulis at lokal na pamahalaan sa Pasay City ang isang spa na umano’y nag-aalok ng extra service.
Nasagip sa operasyon ang limang indibidwal, habang arestado naman ang isang receptionist.
Kasama si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, pinasok ng mga operatiba ang spa bandang alas-10 ng sabado, kung saan naaktuhan nila ang isang lalaki at babae sa isang kwarto.
Ayon sa pulisya, ilang buwan na nilang minanmanan ang spa matapos makatanggap ng impormasyon na nag-aalok ito ng extra service kapalit ng pera.
Napag-alaman din ng otoridad na walang naka-display at maipakitang business permit ang spa.
Saad naman ng Pasay Business Permits and Licensing Office, walang naka-display at maipakitang business permit ang spa dahil tanging mga dokumento mula sa Securities and Exchange Commission at Bureau of Internal Revenue lang ang ibinigay nito sa mga awtordiad.
