30 Chinese maritime militia vessels, namataan sa Rozul Reef

Hindi bababa sa 30 Chinese maritime militia vessels ang nakita sa Rozul o Iroquois Reef kahapon ng Linggo.

Nakita ang mga ito sa pamamagitan ng isang satellite imaging at isang social media post ng security analyst na si Ray Powell.

Read More:  Pangilinan questions farm imports during harvest season

Agad namang kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagdami ng presensya ng mga Tsino sa pinagtatalunang dagat.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Sa ngayon, kasalkuyang nagpa-patrolya na ang BRP Datu Pagbuaya at nakapagbigay na rin ng mga radio challenges, ngunit hindi ito tinugunan.