NAGA CITY- Napanatili ng Naga City ang pagiging Alert Level 1 sa Risk Classification ng Inter-Agency Task Force (IATF) mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 15, 2022. Ito ay sakabila ng nairecord na ilang kaso ng COVID-19 noong nagdaang linggo.
Mataas ang vaccination rate ng Naga City at inaabot pa ang target population sa sa 5-11 yrs kaya nagkakaroon na ng public school-based vaccination na parte ng Naga Vax to the Max.
Naging makulay ang mga aktibidad may koneksyon sa Pride Month. Abala rin ang lungsod sa mga paghahanda sa malalaking pagtitipon sa Peñafrancia Fiesta. Patuloy ring pinasisigla ang pagnenegosyo o sa madaling sabi sa pangkalahatan magaan na ang mga aktibidad.
Gayunpaman ang laging paalala ni Mayor Son Legacion , ipagpatuloy ang pag-iingat.