CAMARINES NORTE- Magiging mahigpit ang pamunuan ng Camarines Norte state College sa pagpapatupad ng Health safety protocols para sa gaganaping 30th Commencement Excercises
Sa inilabas na Administrative Memorandum No. 116, s. 2022 ng Office of the College President nitong nakatalikod na araw ng lunes June 27, 2022, Nakatala na, bilang parte at pagsunod sa crowd control para sa health and safety reasons, ay naging limitado na lamang ang maaring pumasok sa isasagawang graduation ceremony
Para sa mga CNSC Graduating Students ay isa na lamang ang maaring maging companion ng bawat isang studyante at pawang mga employees, officials, janitorial and security personnel, guests, at marshalls ang mga pu-pwedeng pumasok
At para naman sa mga hindi nabanggit ay maari parin makapanood ngunit ito ay sa pamamagitan na lamang ng Facebook Live ng official facebook page ng CNSC
Samantala, nabanggit din sa nasabing memorandum na kung ang nasabing commencement exercises ay maabutan ng pagtaas ng Alert Level Status ng lalawigan ng Camarines Norte sa pagitan ng level 2 at 3 ay kahit ang iisang companion na kasama ng mga graduating student ay hindi na rin hahayaang makapasok sa paaralan
at kapag naman umabot ng level 4 ang Alert Level Status ng nasabing lalawigan ay wala ng magaganap na face to face graduation at ang buong ceremony ay magiging virtual na lamang
