NAGA CITY – Pirma na lamang ni Health Sec. Francisco Duque III sa nabuong multiparty agreement ang kailangan para i-release na ang binibiling Covaxin ng City Government ng Naga.
50 thousand doses ng vaccines ang inaasahasang darating ngayong Hulyo sa lungsod, subalit hanggang ngayon wala pa.
Kahapon, inilabas ng LGU sa kanilang facebook account ang ikalawang liham para kay Duque na humihiling na sana ay pirmahan na nito ang naturang multiparty agreement na una ng napirhanan ng manufacturer at maging ni IATF Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez. Jr.
Sa mga pahayag sa media ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na kulang ang COVID-19 vaccines na natatanggap ng City galing sa National Government, kaya kailangan nilang bumili sa isang pribadong vaccines manufacturer, ito na ngang Covaxin ng India.
Umaasa sina Legacion na sana ay bigyan naman ng atensyon ng kalihim ang ikalawang liham.
Samantala, sa huling talaan ng mga nabakunahan sa Naga City; mayroon nang 6,891 na mga taga lungsod ang nakatanggap na ng first dose, 2, 668 para sa second dose.
Ang mga ito ay mula sa mga kategoriya ng A1 o mga health workers, A2 o mga senior citizens at A3 o mga Persons with comorbidities.