NAISYUHAN ng Citation ticket at Notice of Violation ang 39 na mga establisyemento sa Cotabato City matapos makitaan ng mga paglabag sa Environment Health and Sanitation Code Ordinance 2430 series of 2004 ng Sangunian Panlungsod.
Sa panayam ngayong umaga ng Brigada News FM Cotabato sa Sanitary Inspector IV ng City Health Office na si Madam Indira Mundas, nagkaroon sila ng sorpresang pag-iinspeksyon nitong June 30 hanggang July 1 sa mga business establishment sa bahagi ng Don Rufino Alonzo Street.
Kabilang sa mga violation ng mga manggagawa nila ay ang hindi pagsusuot ng kanilang health certificate ID o di naman kaya ay paso o expired ang mga ito.
Mayroon din silang inabutang business establishment na hindi nailagay ang sanitary at business permit na dapat ay nakikita ng mga tao.
Dagdag pa ni Mundas na may mga pakainan din sa lungsod ang naisyuhan din ng citation ticket at notice of violation kaya patuloy ang paalala ng opisyal sa lahat ng mga negosyante na sundin lahat ang mga ipinatutupad ng City Health Office.
Irerevoke ang mga business at sanitary permit ng mga ito kung lalampas sila sa tatlong opensa kung saan isang libo para sa unang paglabag, tatlong libo sa 2nd offense at 5 thousand at tuluyang pagbawi sa permit para sa 3rd and final offense.