Motor na may sticker ng Kamara, pinagmulta dahil sa pagdaan sa EDSA Busway

Hindi umubra sa mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) ang sticker ng “House of Representatives” na gamit ng isang motorcycle rider para makadaan sa EDSA-busway.

Natiyempuhan ang pagdaan ng rider sa busway subalit sa halip na tumigil ay umiwas pa ito sa mga tauhan ng SAICT.

Nang mahuli, inamin ng rider na hindi siya nagtatrabaho sa Kamara at nakuha niya lamang ang sticker dahil ibinigay ito sa kaniya.

Bukod sa rider, marami ring motorista ang natiketan ng SAICT dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa Busway kaya pagmumultahin sila ng P5,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *