Kotse na nahulog sa sakahan, naiangat sa tulong ng kapulisan at mga residente

Naiangat sa kalsada ang isang kotseng nahulog sa palayan sa gilid ng daan na bahagi ng Barangay Annanuman, San Pablo, Isabela.

Ayon sa 1st Isabela Provincial Mobile Force Company, habang sila ay nagpapatrolya sa lugar ay namataan nila ang nasabing kotse.

Isinalaysay ng drayber ng kotse na pauwi na siya nang hindi niya namalayang naidlip ito kayat dumiretso ang kaniyang minamanehong sasakyan sa palayan at maswerteng hindi ito nagtamo ng anumang galos sa katawan.

Nagtulong-tulong ang mga kawani ng 1st PMFC at mga residente sa lugar upang maiangat ang kotse habang nagpasalamat naman ang drayber ng sasakyaN at makakauwi itong ligtas sa kanilang tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *