Inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagsasailalim sa state of calamity sa Lalawigan ng Isabela.
Ito ay matapos lumabas sa pagsusuri na ibinahagi ni Assistant Provincial Agriculturist Arlene Castillo na may kabuoang 30, 873.24 hectares na ang apektado ng El Niño phenomenon.
Dahil dito, nasa P1,487,405,308.23 ang halaga ng naitalang pinsala kung saan apektado ang 26,000 na mga magsasaka sa lalawigan.
Inihayag naman ni DOST-PAGASA Chief Meteorologist Ramil Tuppil, na base sa ENSO Alert System Status ay inaasahang magtatagal hanggang ngayong buwan ang El Niño.