Motocross rider, patay matapos banggain ng iba pang rider

Dead-on-arrival ang isang motocross rider matapos banggain ng iba pang rider.

Kinilala ang biktima na si Ruel “RJ” Gonzaga, alias “King Cobra”

Nitong Miyerkules, Hulyo 31, habang nag-eensayo ang biktima kasama ng iba pang rider para sa 65cc riders category sa invitational motocross competition na bahagi ng ika-76th Araw ng Compostela sa Probinsiya Davao de Oro.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Ngunit isang motorsiklo ang pumasok sa track field na nawalan ng balanse at tumama sa balikat ng biktima dahilan para itoy mawalan ng malay.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Agad isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima ngunit binawian na ng buhay.

Si RJ, mas nakilala sa ibang motocross competition sa labas ng Mindanao kung saan naging kampyon ito sa Visayas Area at nakakuha ng malalaking sponsors.