Camarines Sur – Dead on the spot ang isang rayder ng motorsiklo matapos na mahagip at makaladkad ng ilang metro sa nangyari aksidente sa Milaor Camarines Sur nitong Agosto 2, 2024.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PEMS Arlene Regachuelo PIO ng Milaor PNP nangyari ang aksidente bandang alas 4 ng madaling araw sa kahabaan ng maharlika highway sakop ng Barangay Flordeliz, ang pampasaherong bus na minamaneho ni Richardo Maldea 46 taong gulang residente ng La Purisima Nuevo Ocampo galing sa metro manila patungo sa direksyon ng Naga may iniwasan na motor at sa muling pag overtake hindi napansin ang kasalubong na motor minamaneho naman ni Dan Lloyd Maceda 22 taong gulang ng Barangay Casay Lupi, dahilan upang sumalpok sa bus at ng kaniyang agarang pagkamatay.
Habang nasa kustodiya na pulisya drayber at mahaharap sa kaukulang kaso.