Mother Lily, pumanaw na

Nagluluksa ang buong showbiz industry dahil sa pagpanaw ni Mother Lily Monteverde sa edad na 85.

Kinumpira ito ng kanyang anak na si Roselle Monteverde sa isang official statement.

Bukod sa pagiging ina nito sa kanyang mga anak, sinabi ni Roselle na naging nanay rin si Mother Lily sa maraming henerasyon ng mga Filipino filmmakers na tumulong sa pag-usbong ng film industry sa bansa.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Si Mother Lily ang founder ng isang sikat na film production company sa bansa (Regal Entertainment), na kilala sa mga na-produce nitong pelikula tulad ng “Scorpio Nights,” “Shake, Rattle, & Roll” at “Mano Po.”

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Ilan din sa kanyang mga pinasikat sina Alma Moreno, Gabby Concepcion, William at Albert Martinez, Snooky Serna, Dina Bonnevie, Ruffa Gutierrez at si Diamond Star Maricel Soriano.