Blue alert status, itinaas sa Cordillera matapos ang pagsirit ng kaso ng dengue

Itinaas na sa heightened alert o blue alert status ang Cordillera Administrative Region dahil sa mga naitatalang kaso ng dengue at posibleng hindi magandang epekto ng hanging habagat.

Inirekomenda mismo ni DOH – CAR Regional Director Ferdinand Benbenen sa Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagsasailalim sa heightened alert status sa rehiyon.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Kaakibat nito ang pagtiyak ng mga isasagawang monitoring, bio-surveillance at kahandaan sakaling tumaas pa ang kaso ng dengue.

Sa pinakahuling datos ng kagawaran mula Enero hanggang ika-27 ng Hulyo, taong kasalukuyan ay nasa 9, 827 na ang naitalang kaso ng dengue kung saan 169% na mas mataas ito kumpara noong nakaraan taon sa paherong panahon.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kaugnay nito, sa nasabing bilang ay nasa 19 na pasyente na ang nasawi matapos tamaan ng dengue.