MMDA, tuluy-tuloy ang pagi-inspeksyon sa iba’t ibang mga terminal sa Metro Manila

Wala pa ring nagpo-positibo sa drug test na isinagawa para sa mga drivers at mga konduktor sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ngayong hapon, nag-inspeksyon naman si MMDA chairperson Romando Don Artes, NCRPO regional director BGen. Jose Melencio Nartatez Jr, at PITX manager Jayson Salvador.

Sa kanilang pag-iikot, nakitang nananatiling mapayapa’t ‘in order’ ang takbo ng mga biyahe doon.

Nitong tanghali – umakyat na sa 60,000 ang foot traffic sa terminal, at inaasahang lolobo pa ng hanggang 160,000 bago matapos ang araw.