Pamahalaan, nakikipag-ugnayan na sa Israeli forces upang mahanap ang 2 nawawalang Pinoy sa Israel

Mahigpit ngayon nakikipagtulungan ang pamahlaan sa Israeli Defense Forces upang mahanap ang 2 nawawalang Pinoy sa Israel.

Sa Saturday News Forum , sinabi ni Department of Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac , na humigit-kumulang 770 pamilya sa bansa ang humingi ng tulong upang mahanap ang kanilang mga mahal sa buhay.

Read More:  Bong Go leads 2028 vice presidential preference survey with 31%

Sa nasabing bilang, 768 ang accounted for ngunit hindi pa malaman ang status ng kinaroroonan ng natitirang dalawang Pilipino.

Read More:  Padilla threatens to skip Duterte impeachment trial over Senate voting rule

Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga pamilya ng mga nawawalang Pinoy.

Batay sa ulat, posible umanong kinidnap ang dalawang nawawalang Pinoy ng Palestinian militant group na Hamas.