MMDA, naghahanda na sa matinding trapiko pagkatapos ng bakansyon sa January 3

Naghahanda na ang Metro Manila Development Authority sa inaasahang matinding trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila pagkatapos ng holiday season.

Sinabi ni Frisco San Juan Jr., deputy chairperson ng MMDA, na inaasahan nila ang mabigat na bulto ng mga sasakyan pagsapit ng Enero 3, kung kailan magpapatuloy ang operasyon ng mga opisina at paaralan kasunod ng Christmas holiday at mahabang weekend ng Bagong Taon.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Dagdag pa ni San Juan, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa Department of Transportation, Department of Public Works and Highways, at mga private bus companies para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Nauna nang sinabi ng MMDA na ang dami ng trapiko sa EDSA ay lumampas sa mga bilang nito bago ang pandemya, kung saan halos kalahating milyong sasakyan ang bumibiyahe sa pangunahing lansangan araw-araw.