Fireworks related injury sa Camarines Norte nananatili sa isa

CAMARINES NORTE- Nananatili sa isa ang fireworks related injury sa lalawigan na nadala sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Sa datos ng Health Emergency Management Staff (HEMS) hanggang kaninang alas 5: 40 ng umaga walang naidagddag na bilang ng naputukan na dinala sa naturang paggamutan.

Ang CNPH ang sentinel site hospital ng DOH para sa monitoring  sa firecracker related injury.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Unang nakapagtala ang lalawigan ng Fireworks related injury noong bisperas ng pasko kung saan ang biktima ay isang 13 anyos na binatilyo mula sa bayan ng Daet.

Noong isang taon dalawa ang naitalang fireworks related injury sa lalawigan, isa noong 2020 at 14 noong 2019.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Magtatapos ang monitoring sa paputok sa January 5, 2023.

Samantala, patuloy naman ngayon ang ginagawang pagbabandilyo ng Bureau of Fire Protection para paalalahanan ang publiko na iwasan ang paggamit ng papautok sa pagsalubong sa bagong taon.

Kasabay nito ang pamamahagi ng mga babasahin na naglalaman ng mga safety tips sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon.