MMDA, makikipag-ugnayan sa DOTr kaugnay sa public transport protocols sa ilalim ng Alert Level 1

Makikipag-ugnayan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Department of Transportation (DOTr) upang paghandaan ang public transportation protocols sa National Capital Region (NCR) sakaling ma-downgrade ang alert status ng rehiyon.

Sinabi ni MMDA officer-in-charge at general manager Romando Artes na magkakaroon sila ng scheduled na pagpupulong kasama ang mga opisyal ng DOTr para pag-usapan ang protocols, partikular na sa bahagi ng mass trasportation.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Iginiit ni Artes na importante ang mass transportation dahil mababalewala ang pagbubukas ng mga industriya at sektor kung wala naman masakyan ang mga manggagawa.

Inihayag ni Artes na titiyakin nila na magkakaroon ng impementasyon ng safety protocols sa mga pampublikong transportasyon.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Sa ilalim ng Alert Level 1 ay pinapayagan ang intrazonal at interzonal travel nang hindi na inaalam ang edad at comorbidities ng mga tao.

Papayagan rin ang lahat ng establishimyento at mga aktibidad na mag-operate gamit ang full on-site o venue capacity nito habang patuloy na sinusunod ang minimum public health standards.