Nakapasok na ang ground forces ng Russia sa Ukraine mula sa iba’t-ibang direksyon, ilang oras matapos ianunsyo ni President Vladimir Putin ang paglulunsad ng malawakang opensiba.
Nakatawid na ang mga tangke ng Russia at iba pang heavy equipment sa frontier ng maraming northern regions, at pati na rin mula sa Kremlin-annexed peninsula ng Crimea sa katimugang bahagi.
Inihayag ng border guard service ng Ukraine na nasawi ang isang servicemen nito mula sa pag-atake sa Crimean border.
Ang nasawing servicemen ang unang nakumpirmang casualty mula sa pananakop ng Russia sa Ukraine.
Inanunsyo naman ni Ukranian presidential adviser Mykhailo Podoliak na naghahanda na para sa mabigat na bakabakan ang armed forces ng Ukraine.
Ipinunto rin niya na marami na ang nasawi sa kanilang panig, ngunit hindi na siya nagbigay ng karagdagang detalye.
Ibinunyag rin ng Ukranian official na nagawa nilang harangin ang Russian armed forces sa maraming lugar.
