Minimum Public Health Standards mahigpit na ipinapatupad ngayon sa Daet Public Market

CAMARINES NORTE- Hiningi ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Daet ang pangunawa at kooperasyon ng publiko sa ipinaiiral ngayong mga bagong patakaran sa Daet Public Market

Sa impormasyong nakalap ng Brigada News FM Daet, ito ay bilang pagtalima sa direktiba ng DILG may kaugnayan sa safety seal upang matiyak na ang mga business establishments kasama ang mga nasa negosyong sakop ng Pamilihang Bayan ay sumusunod sa Minimum Public Health Standards.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ipinaalam ng naturang LGU sa lahat ng mga mamimili at magtutungo sa naturang pamilihan na nagtalaga sila ng anim na entrances at anim din na exits

Ang mga mamamalengke ay kinakailangang magfill up sa log book, magfoot bath at kunin ang temperatura.

Habang ang mga mayroong APP ng StaySafe PH ay mas mabilis na makakapasok dahil scanning na lamang ng QR code ang gagawin sa halip na maglogbook.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Umapela naman sa publiko ang  LGU ng pakikiumisa dahilan sa maari umano silang matapawan ng disciplinary action ng mga ahensyang namumuno sa ipinapatupad na direktiba