CAMARINES NORTE- Dalawa na lang ngayon ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa Mercedes, Camarines Norte matapos na makarekober ang dalawang iba pa, batay sa ulat ng Municipal Health Office (MHO) nitong Martes.
Sa kabuuan umabot na sa 67 ang kaso ng sakit sa naturang bayan makaraang makapagtala noong weekend ng dalawang bagong kaso.
Aabot naman sa 58 ang kabuuang bilang ng mga gumaling habang nanatili sa 7 ang bilang ng mga nasawi.
Sa 26 na Barangay ang San Roque ang may pinakamaraming kaso ng sakit na may 17 pero matagal- tagal na ring hindi na ito nadadagdagan.
Anim na barangay naman ang nanatiling COVID- 19 free at ito ay ang dalawa sa mga Poblacion Barangays ng 4 at 5.
Wala ring naitatalang kaso ng sakit sa ngayon sa mga coastal Barangay ng Mambungalon, Apuao, Hamoraon, Lalawigan at Lanot.
Matatagpuan sa bayan ng Mercedes na tinaguriang “fishing capital” ng Camarines Norte ang malaking fish port kung saan mahirap ipatupad ang health protocols.
Dahil kasi sa nakagisnang hanapbuhay, tila nasanay na ang mga tao na nagsisiksihan na parang hindi alintana ang banta ng COVID- 19.
Madalas nang makikita ang hindi pagsusuot ng face mask ng iba at kung may suot man ay hindi tama ang pagkakasuot.

