Aabot sa 1, 850 square meters ang lawak ng nadiskubreng taniman ng marijuana sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga matapos ang isinagawang operasyon ng kapulisan.
Binunot ang nasa 22, 200 na piraso ng fully grown marijuana na nagkakahalaga ng P4.4 Million sa dalawang araw na operasyon sa lugar.
Sa ngayon ay wala namang nahuling cultivator sa isinagawang operasyon habang mga binunot na marijuana ay sinunog ng mga otoridad.