Bibigyan ng P50, 000 ang mag-asawang limampung taon nang kasal o higit pa matapos aprobahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya ang isang ordinansa na susuporta rito.
Ang Enduring Devotion Award ay layuning magbigay ng insentibo sa mag-asawang limang dekada ng kasal at kailangang ipakita lamang ang kanilang marriage certificate.
Habang ang mga katutubo o indigenous people na nagsasama na sa loob ng 50 na taon ay kailangan lamang ng patunay mula sa elder ng kanilang tribo.
Nakasaad pa sa ordinansa na ang mag-asawa ay dapat nasa maayos ang kanilang pagsasama, walang kaso hinggil sa VAWC, sampung taon na nakatira sa Nueva Vizcaya at walang planong maghiwalay.
Sa ngayon ay inaaral na ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga panuntunan sa pag-implimenta nito.