Nasa maayos na kalagayan ang green sea turtle na pinakawalan ng Department of Environment and Natural Resources Region 2 matapos itong aksidenteng mahuli ng isang mangingisda sa coastal area ng Gonzaga, Cagayan.
Una rito, iniulat ni Rene Flores, isang mangingisda sa Lokal na Pamahalaan ng Gonzaga hinggil sa pagkakahuli nito sa isang berdeng pawikan habang nangingisda gamit ang isang sapyaw o fishnet.
Inihayag naman ni Appari CENR Officer Joselito Razon na nasa 104 centimeteres ang haba ng pawikan at mayroon itong 95 centimeters na witdh curve carapaces.
Aniya, nagmula ito sa Sandakan, Sabah, Malaysia dahil sa nakitang kaliwang flipper nito na mayroong tag na MY(S) 133344 ngunit nang pakawalan ay nilagyan naman ang kanang flipper nito ng tag na PH 2181B.
Ang mga green sea turtles ay kumakain ng sea grasses at kabilang sa mga endangered species ng International Union for Conservation of Nature and Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora.