Nagpasya na ang mga senador na ipaaresto sina former presidential economic adviser Michael Yang at Pharmally Pharmaceutical Corporation official Linconn Ong.
Ito ay dahil umano sa evasive o tila paligoy-ligoy na sagot ng mga ito sa Senate Blue ribbon investigation kaugnay ng “overpriced” COVID-19 supplies.

Naobserbahan din na may inconsistencies sa sagot ng dalawa.
Nanguna sa desisyong ito si Senador Panfilo Lacson na sinabing maghahain ng warrant of arrest para sa dalawang ito, na siya namang sinang-ayunan ni Senador Risa Hontiveros.
Walang tumutol sa desisyong ito sa Senado ngunit kailangan pa ng pirma ni Senate President Vicente Sotto III bago ihain kina Yang at Ong.
Matatandaan na nag-issue na rin ng warrant of arrest ang Senado kina Yang, Ong at apat pang opisyal ng Pharmally dahil sa hindi nito pagsipot sa mga hearing kahit pa may nakahain ng subpoena laban sa mga ito.