Itinanggi ni Michael Yang, na siyang dating adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte, na mayroon siyang kaugnayan sa Pharmally Pharmaceuticals Corporation.
Ito ay matapos siyang tanungin ni Senador Panfilo Lacson sa pagpapatuloy ng Senate blue ribbon committee hearing sa COVID-19 spending ng Department of Health.

Sa pamamagitan ng interpreter, inihayag ni Yang na wala siyang kahit anong ugnayan sa Pharmally at hindi rin umano ito sangkot sa kahit anong operations ng nasabing kumpanya
Nakilala lamang umano ni Yang ang Pharmally mula sa mga balita tungkol rito.
Matatandaan na kasalukuyang iniimbestigahan ang Pharmally dahil sa pagtanggap nito ng multi-billion contract mula sa gobyerno para sa pagbili ng mga COVID-19 related medical supplies.