Mga trimobile at e-trike violators, hindi pa rin ligtas sa naging tatlong buwang assessment alinsunod taas-pasahe suspension implementation

NAGA CITY – “Maging disiplinadong trimobile at e-trike driver at iwasang lumabag!”

Muling paalala ni Naga City Councilor Omar Buenafe, Committee Chairperson of Transportation sa lungsod, dahil bagamat hindi tumaas ang mga lumabag sa loob ng tatlong buwang assessment alinsunod sa ordinansa sa posibleng pagsuspende sa taas-pasahe o ang balik P15.00, hindi pa rin ligtas ang mga driver dahil maaari pa rin silang masuspende at mawalan ng unit kung sa loob ng ng isang taon, anim na ang violations. 

Nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Shane Habana, isang call center agent, sinabing paminsan-minsan nakakaranas pa rin siya ng pang-aabuso ng ilang trimobile driver, minsan sinisingil siya ng sobra o overcharging.

Kung saan isa ito sa mga violation na dapat iwasan ng mga driver lalo na’t ngayong mas papalakasin ng Lokal na Pamahalaan ang pagpapatupad ng ordinansa at enforcement ng mga batas trapiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *