Mahigit 4000 bagong nagpa rehistrong botante sa Naga City, nakatakdang isailalim sa Election Registration Boards Hearing

NAGA CITY – Magiging abala ngayong Abril ang mga personahe ng Comelec-Naga sa mangyayaring Election Registration Boards Hearing o ERB Hearing para sa mahigit apat na libong bagong nagpa rehistradong botante sa lungsod mula Pebrero at Marso, ayon kay Atty. Maico Julia Jr., Comelec officer.

Read More:  Teacher punched by two students inside Davao de Oro School, DepEd XI launches investigation

Sa pakikipag-usap ng Brigada News Fm Naga kay Atty. Julia, sinabi nitong bago pa maging opisyal na botante ang mga ito, kailangan na maaprobahan muna ng boards ang kanilang aplikasyon na maging botante, na pag dedesisyunan ng mga kasamahan mula sa Department of Education at sa Local CiviL Registrar.

Read More:  ₱676.6 million worth of illegal drugs destroyed in Cebu City

Paliwanag ng abogado kailangan na may ganitong proseso para malaman at masagot ang ilang mga isyu ng mga transferees kabilang na ang hakot-system na dati ginagawa ng mga politico, kung may ganitong voter’s registration.