PBBM walang balak dagdagan ang bilang ng EDCA sites

Walang balak si Pangulong Bongbong Marcos na dagdagan pa ang mga EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement site sa Pilipinas.

Sa 50th anniversary ng Foreign Correspondent Association of the Philippines o FOCAP event, sinabi ng Pangulo na walang plano ang Pilipinas na mag establish pa ng karagdagang base o magbigay ng access sa mga base militar.

Naniniwala naman si Marcos na walang kinalaman ang mga EDCA sites sa mga agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Nabatid na nasa syam na mga EDCA sites sa bansa.

Kinabibilangan ito ng San Antonio Bautista airbase sa Palawan, Basa airbase sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Airbase sa Cagayan de Oro, at Mactan-Benito Ebuen airbase sa Cebu na idineklara taong 2016.

Nadagdagan pa ito ng apat noong 2023, kabilang ang Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana Cagayan, Lal-lo airport sa Cagayan, Camp Melchor dela Cruz sa Gamu Isabela, at ang Balabac sa Palawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *