BICOL—Nagrequest na ang Albay Provincial Veterinary Office sa Department of Agriculture (D.A) na malagyan ng sentinel pigs ang tatlong munisipyo sa ikatlong distrito ng lalawigan na labis na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) nitong mga nakaraang buwan.
Ayon kay Provincial Veterinary Officer Dr. Pancho Mella, ito ay upang matukoy kung maaari nang maideklarang ASF free ang mga bayan ng Pio Duran, Polangui at lungsod ng Ligao.
Dito ay oobserbahan ang mga ilalagay na baboy at kung sa loob ng 40 araw ay hindi ang mga ito magkasakit, ibig sabihin malaya na sa ASF ang mga nasabing lugar.
Oras na maideklarang ASF free ang mga munisipyong ito ay maaari na rin muling mapayagang mag-alaga ng baboy ang mga hog raisers dito. Sa ngayon ay hinihintay pa ng PVO ang tugon ng D.A sa kanilang request.
Magugunita na nagresulta sa mass killing ng mga baboy sa mga nasabing lugar ang pananalasa ng ASF virus kung saan labis ding naapektuhan ang kabuhayan ng mga magbababoy.### || SLM

