83% ng COVID-19 vaccines na natanggap ng Bicol, naiturok na; mahigit 78k nakakumpleto na ng 2 doses

BICOL—83% na sa kabuuang 294,380 doses ng COVID-19 vaccine na natanggap ng Bicol region ang naiturok mula sa A1 hanggang B and other priority groups.

Katumbas ito ng 245,326 doses ng mga bakuna kung saan 167,272 o 93% na nito ang naiturok para sa first dose habang 78,054 o 68% naman ang naibakuna para sa second dose.

Base sa pinakahuling vaccine statistics ng Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH-CHD), para sa first dose ay mayroon nang 87,253 ang naibakuna sa A1 priority group o ang mga frontline health workers; 47,897 sa A2 o ang mga senior citizen; 24,180 sa A3 o individuals with comorbidities; 5,183 sa A4 o ang mga uniformed personnel; 491 sa A5 o Indigent population at 2,268 sa priority B1, B6 at C o other priority groups.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Para naman sa mga nakakumpleto na ng dalawang doses, mayroon nang 51,348 sa A1; 16,732 sa A2; 6,708 sa A3; 2,269 sa A4; 325 sa A5 at 672 sa  priority B1, B6 at C.

Ang Camarines Sur ang siyang may pinakamaraming bakunang natanggap na umaabot sa 87,064 doses. 97% na nito ang naiturok para sa first dose habang 75% sa second dose.

Ang Albay ay mayroong kabuuang 70,772 doses kung saan 91% na ang naibakuna para sa first dose at 61% sa second dose.

Ang Masbate ay nakatanggap ng kabuuang 50,078 doses ng bakuna at 84% na ang naibakuna sa first dose habang 51% sa second dose.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

42,976 doses naman ang kabuuang natanggap ng Sorsogon at nasa 93% na ang administered para sa first dose habang 74% sa second dose.

22,360 doses ang kabuuang natanggap ng Camarines Norte kung saan nasa 99% na nito ang naibakuna sa first dose habang 84% sa second dose.

Ang Catanduanes ay mayroong kabuuang 21,130 doses na natanggap at nasa 97% nito ang administered na sa first dose habang 74% sa second dose.### || SLM