Mga senior citizen maaaring lumapit sa mga health center sa sakaling gustong magparehistro online para sa bakuna kontra covid-19

OLONGAPO-Hinihikayat ng Local Government Unit ng Olongapo ang mga senior citizen na lumapit sa mga health center para sa pagpapatala sa mass vaccination.

Ito ay para maalalayan sa panibagong paraan ng pagpapatala sa pamamagitan ng on line registration.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Matatandaan na marami sa mga seniors ang hindi alam ang pagpaparehistro on line kaya hinikayat ang mga ito na magpatulong sa mga barangay health workers.

Samantala ang pagbabakuna sa mga senior ay first come first serve basis dahil hindi sabay-sabay ang pagdating ng mga bakuna.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Samantala hinhingi naman ng city government ang pakikipagtulungan ng mga barangay na alalayan ang mga senior citizen.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

No photo description available.