Patuloy ang pressure kay Indian Prime Minister Narendra Modi para mag-impose ng nationwide lockdown habang patuloy ang COVID-19 outbreak sa kanilang bansa.
Ito ay sa kabila ng mahigit sa kalahati ng Indian states at union territories ang nagpatupad ng kanilang shutdowns bilang pagtugon sa second wave kung saan marami pa rin ang humihiling na magpatupad ng second national lockdown.
Kinatigan din ito ni US National Institute of Allergy and Infectious Diseases at top Whte House coronavirus adviser Dr. Anthony Fauci dahil naniniwala siyang dapat magpatupad ng lockdown ang India.
Ipinaliwanag ni Fauci na kailangan ang lockdown para maagapan ang trajectory ng outbreak.
Kahapon ay naitala sa India ang 366,161 new COVID-19 cases na dahilan para umabot na sa 22-million ang kaso sa kanilang bansa mula nang nag-pandemic.
Naitala din ang 3,754 virus-related death kahapon matapos ang dalawang araw na magkasunod na mahigit sa 4,000 death toll.