Mga sakahan sa Camarines Sur, nag-aagawan ng tubig sa irigasyon

CAMARINES SUR – Nangyayari na ang senaryong agawan ng tubig sa mga  irrigation canal sa mga bayan sa Camarines Sur na libreng napapakinabangan ng mga magsasaka, matapos na hindi na sila hingian ng bayad ng National Irrigation Administration Regional Office 5.

Kabilang sa mga bayan na may ganitong sitwasyon ay sa Calabanga, Libmanan, Ocampo, bahagi ng Pili, Magarao, ibang mga bayan sa Camarines Sur at maging sa Naga City na may malawak na sakahan at taniman.

Sinabi naman sa Brigada News Fm Naga ni NIA-Public Information Officer Ma. Cleofe Baraero na isa ito sa binibigyan nila ng aksyon matapos na dumulog na rin sa kanilang opisina ang mga apektadong magsasaka na huling nakapagtanim ng palay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *