Magandang development umano ang nangyaring pagsuko ng gunman sa pagpatay sa isang mamamahayag ng Brigada News FM na si Ed Dizon.
Maalalang kagabi ay sumuko na sa mga otoridad ang gunman na si Junel Puten ‘o Junell Gerosaga.
Ayon kay Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Usec. Paul M. Gutierrez, dahil sa ginawa ni Puten ay mas tumibay ang kasong isinampa sa mga taong nasa likod ng krimen.
Maaalalang naka-out on bail ngayon ang sinasabing mastermind sa krimen.
Ani Gutierrez, babalik sila sa Davao upang pulungin ang SIT Dizon na tututok sa kaso.
Magkakaroon aniya rin sila ng reassessment, at pag-uusapan ang mga susunod na hakbang sa kaso.