Mga pinuno ng district hospitals sa Albay, hinimok na unahin ang pagbili ng mga gamot at medical supplies

LEGAZPI CITY – Hinikayat ng Provincial Government of Albay ang mga pinuno ng mga ospital sa lalawigan na unahin muna ang purhase requisition ng gamot at iba pang medical supplies.

Hinihimok ni Albay Gov. Noel Rosal ang lahat ng pinuno sa bawat district hospital na iprayoridad ang pagbili ng mga gamot at iba pang medical supplies upang maiwasan ang kakulangan ng gamot sa mga district at provincial hospitals sa nasabing lalawigan.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Inabisuhan na ang mga hospital head na ang budget na ilalabas sa mga provincial at district hospital ay kasalukuyang nasa proseso ng pagpopondo.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Nakatuon ngayon ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay sa mga ospital ng mga kinakailangang makina at serbisyo tulad ng CT scan, dialysis, X-ray, at kagamitan sa laboratoryo.

Samantala, itinalaga ni Rosal si Dr. Maria Nimfa Joji Quiñones bilang bagong Officer-in-Charge ng Josefina Belmonte Duran Albay Provincial Hospital (JBDAPH).