Botohan ng mga katutubo sa pagmimina, hindi umano naaayon sa FPIC guidelines

Pinuna ni Mamilmar Dubria Jr., katutubong leader ng kabataang Palaw’an ang pamamaraan sa ginawang proseso sa botohan ng mga katutubo kaugnay sa pagmimina sa Bayan ng brooke’s Point, Palawan.

Ayon kay Dubria, taliwas sa Free, Prior, and Informed Consent o FPIC guidelines ang ilang ginawa ng National Commission on Indigenous Peoples o NCIP-PALAWAN.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Una umano rito, hindi nasunod na ang mga katutubo ang pipili ng kanilang magiging representante sa pamamagitan ng Community Consultative Assembly o CCA bagkus ay iprenesinta na lamang ng NCIP ang mga katutubo na magiging representante.

Read More:  Motorcycle rider dies in Toledo City collision with armored van

Pangalawa, sa isang proyekto sa lupaing ninuno dapat aniya sa pag-conduct ng FPIC ay nailipat na ang nararapat na pondo rito.

Samantala, masakit umano ang nangyari sa mga katutubo na ayaw sa pagmimina ay huling binibigyan ng pagkain minsan ay hindi pa nabibigyan.