City Veterinary office, tiwala na hindi makakaapekto sa presyo ng karneng baboy ang naitalang kaso ng ASF sa bayan ng Sta Magdalena

SORSOGON CITY – Tiniyak ng Sorsogon City Veterinary Office na walang magiging epekto ang pagtama ng African Swine Fever o ASF  sa bayan ng Sta. Magdalena sa presyo ng mga karneng baboy sa mga pamilihan sa lungsod.

Paliwanag ng City Veterinarian, bukod kasi sa nakontrol na ang lugar kung saan nagkaroon ng outbreak ay mayroon ding sapat na suplay ng baboy sa lalawigan, kung kaya kahit may ASF ay hindi aniya magkukulang ang suplay ng nasabing produkto at hindi magmamahal ang presyo nito.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol
Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Una rito, ilang consumers ang nangangamba na dahil sa mga ipinatutupad na paghihigpit sa paglabas at pagpasok ng mga live hogs ay magiging limitado ang suplay ng baboy na magiging daan upang magtaas ang presyo ng nasabing produkto sa pamilihang bayan.