Mga personnel ng HPG Isabela, nabakunahan na kontra COVID-19

Nakatanggap na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19 ang lahat ng personnel ng Highway Patrol Group Isabela.

Ito ang kinumpirma ni PMaj. Rey Sales sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Aniya, nabakunahan na ang 13 personnel ng HPG Isabela at sa ngayon ay naghihintay na lamang ng kanilang schedule para sa second dose ng Astrazeneca vaccine sa buwan ng Nobyembre.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Nagpapasalamat naman si PMaj. Sales dahil walang positibo sa COVID-19 na mga kasamahan nila.

Sinabi pa niya na kailangan lang na triplehin ang kanilang pag-iingat upang maiwasang may mahawa sa kanilang hanay.