Covid-19 Delta variant, na detect sa Masbate

SORSOGON CITY – Natuklasan kamakailan lang ng DOH-Masbate at Prov’l Health Office na may tatlong carrier ng Covid-19 Delta variant sa isang lugar sa lungsod ng Masbate at dalawa sa bayan ng Mobo.

Sa ipinalabas na ulat ng DOH-Bicol Center for Health Development noong Agosto 23, may naitlanag variant of concern (VOC), Delta sa Brgy Nursery sa lungsod ng Masbate at dalawa naman sa Brgy Umabay sa bayan ng Mobo.

Ayon naman sa ulat ng Prov’l Epidemiology and Surveillance Unit,  nagsimula ang pagsirit ng kaso ng Covid-19 sa lalawigan noong Agosto 17 nitong taon nang makapagtala ang lalawigan ng kabuuang 2,413 kaso ng Covid-19 kung saan ang aktibong kaso ay nasa 890 at 74 na pagkasawi habang may nakarekober naman na 1,449.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon sa DOH, nasa kategorya na ng alert level 4 ang Masbate kung hindi pa nito makontrol ang pagdami ng impeksyon.

Nanguna sa Top 5 municipality/city na may mataas na kaso ng nasabing sakit ang Masbate City na may 876 na kaso, 298 dito ay aktibo habang 21 ang nasawi; sinundan ito ng bayan ng Aroroy na may kabuuang 309 na kaso habang 129 ang aktibo at 10 na pagkasawi. Ang bayan ng Mandaon ay may kabuuang 185 na kaso, 39 na aktibong kaso at tatlong pagkasawi; ang Mobo ay may kabuuang 110 na kaso, 78 aktibo habang walang nasawi; ang Uson ay may 108 na kaso kung saan may 56 na aktibo at 12 naitalang pagkasawi.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayon sa mga tagasuporta ni Gov Antonio Kho, sa pagkatuklas ng Covid-19 Delta variant, nabigyan umano ng katarungan ang kontrobersiyal na EO No. 26 na una nang umani ng pambabatikos sa publiko dahil sa nagdulot ito ng halos 300 LSIs na na-stranded sa Pio Duran Port sa lalawigan ng Albay.