Nasa high risk na ang health capacity utilization rate ng probinsya ng Isabela base sa Department of Health Use Classification matapos itong umabot sa 74.41%.
Batay sa inilabas na datos ng Isabela Provincial Information Office, umabot na sa 801 hospital beds mula sa government at pribadong hospital sa lalawigan ang inilaan para sa mga COVID-19 patients.
Mula sa nasabing bilang, 596 na ang okupado habang 205 na lamang ang hindi pa nagagamit.
Dahil dito, muling hinikayat ni Governor Rodito Albano at Vice Governor Bojie Dy ang publiko na sumunod sa health and safety protocols sa pamamamagitan ng pagsusuot ng dobleng facemask, full coverage face shield at pasgsunod sa social distancing lalo na umano sa mga matataong lugar.