PCADG CALABARZON, nagbigay ng paalala para sa mga commuters.

Nagbigay ng ilang paalala ang Police Community Affairs and Development Group (PCADG) CALABARZON para sa mga commuters.

Ito ay upang mas mapadali ang pamamaraan ng pag byahe sa mga pampublikong sasakyan.

Kabilang dito ang pagbo-book ng maaga para makaiwas sa pila at dalhin lamang ang kinakailangang gamit.

Magbaon din ng sapat na tubig at pagkain, ganun din ang pagdadala ng first-aid kit in case of emergency.

Samantala, pinaalalahan din ang publiko na maging alerto sa maaaring mangyari o masasamang loob katulad na lamang ng mga mapagsamantala.