China at Pilipinas, nagkasundong bawasan ang tensyon sa West Philippine Sea

Nagkasundo ang mga gobyerno ng China at Pilipinas na magtrabaho tungo sa pagpapababa ng tensyon sa West Philippine Sea.

Ito’y matapos isagawa ng dalawang bansa ang ika-9 na pulong ng Bilateral Consultation Mechanism sa South China Sea kahapon, na parehong dinaluhan ni Philippine Foreign Affairs Undersecretary Ma. Theresa Lazaro at Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagkaroon ng “frank and constructive discussions” ang dalawang opisyal sa sitwasyon sa pinagaagawang teritoryo

Iginiit ni Lazaro na patuloy na poprotektahan ng Pilipinas ang mga interes at sovereign rights nito sa West Philippine Sea, habang kinikilala rin ang pangangailangang ibalik ang tiwala sa pagitan ng dalawang bansa.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Pinagtibay din ng magkabilang panig ang kanilang pangako na bawasan ang tensyon sa dagat nang walang pagkiling sa kani-kanilang posisyon.

Nilagdaan din ng China at Pilipinas ang Arrangement on Improving Philippines-China Maritime Communication Mechanisms, at nagkasundo na ipagpatuloy ang mga talakayan sa maritime cooperation.