12-katao, sugatan sa salpukan ng bus at l300 sa Candelaria, Quezon

Sugatan ang 12 katao sa naging salpukan ng truck at bus sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria, Quezon nitong Lunes, Hulyo 1.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bigla umanong inokupa ng L300 na minamaneho ni alyas “Oscar” ang opposite lane dahilan upang makasalpukan nito ang nasabing bus na minamaneho ni alyas “Churchell”.

Read More:  Passenger arrested after alleged bomb joke at Tacloban airport

Dahil dito, nagtamo ng mga injury sa katawan ang driver ng L300 at ang 11 pasahero nito kung kaya isinugod ang mga ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Read More:  244 foreigners arrested in Zamboanga Sibugay POGO raids

Samantala, bukas naman ang mga panig sa pagkakasundo sa mga usapin hinggil sa aksidente.