Isinailalim ng Department of Labor and Employment Region 2 sa pagsasanay ang mga opisyales ng 17 Peoples Organizations sa mga ELCAC cleared Barangay ng San Mariano, Isabela.
Inorganisa ng DOLE Regional field office ang Training and Orientation ng DOLE Kabuhayan Program, Business Proposal making at Business Management plan para sa nasabing mga opisyal.
Layunin ng nasabing pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng mga presidente at miyembro ng organisasyon partikular sa pamamaraan ng pamamahala rito sa pamamagitan ng tamang pagbibigay ng pagkakakitaan.
Handa naman ang lokal na pamahalaan ng San Mariano at pamunuan ng 95th IB na tanggapin ang mga nais bumuo ng Peoples Organization sa mga barangay.
Ito ay upang mapadali ang paghahatid ng mga pangunahing programa ng pamahalaan sa mga mamamayan.
Samantala, ang nasabing aktibidad ay dinaluhan nina Maj. Oscar Blanza, PA, Batallion officer ng 95th IB, PLTC Jeffrey Raposas, force commander ng 1st IPMFC, mga kawani ng DOLE Region 2 sa pangunguna ni Senior Labor Employment Officer Froctuso Agustin, Col. Monico Aggabao(RET) PA at Cora Pua ang PESO Manager ng San Mariano.