Lalake nahulihan ng ilegal na droga, arestado sa buy bust operation sa Leagazpi City

 LEGAZPI CITY – Arestado na ang isang 34 anyos na lalaki sa P-2, Brgy.-Peñaranda lungsod ng Legazpi matapos magpositibo umano za ilegal na droga.

 Kinilala ang suspek na si Doroteo Luzon Tan Jr, 34 anyos residente ng nasabing operation.  Ayon sa report, nagsagawa ng Anti-illegal Drugs Operation ang mga kapulisan kung saan kumagat sa pain ang suspek matapos pagbentahan nito ang isang pakete ng isang heat sealed transparent plastic sachet na may laman na pinaniniwalaang shabu sa halagang P6500.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City
Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

 Nakaramdam ang suspek na ang kanyang tinatransaksyon ay isa palang operatiba ay dito na hinuli si Tan. Ang suspek ay dinala na sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon at inihahanda na rin ang kasong isasampa na RA 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.