Walk-in vaccination para sa general population at pediatric group, sinimulan na ng CVMC

Nagsimula na rin sa kanilang walk-in vaccination ang Cagayan Valley Medical Center para sa nasa general population at pediatric group o mga kabataan na nasa edad 12 hanggang 17 anyos.

Ito ang kinumpirma ni CVMC Chief Glenn Mathew Baggao sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, isang paraan ito ng kanilang pagamutan upang makatulong sa isinagawang vaccination efforts ng pamahalaan.

Nasa mahigit 2,500 na kawani ng CVMC ang nabakunahan na maging ang lahat ng miyembro ng kanilang pamilya.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Maliban dito ay nasa mahigit isang libong mga nasa pediatric group na ang nakatanggap na rin ng 1st dose ng COVID-19 vaccine kung saan unang nabakunahan ang mga kabataan na may comorbid tulad ng may sakit sa puso, hypertension, kidney disease at mga obese.

Mayroon ding ilan ang dinadala sa kanilang pagamutan ang kanilang mga anak kaya binabakunahan na rin nila ang mga ito.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Batay sa kanilang monitoring, wala namang kabataan ang nakaranas ng adverse reactions matapos maturukan ng bakuna.

Ayon pa kay CVMC Chief Baggao, napakalaking bagay sa mga bata ang bakuna lalo na at matagal silang nananatili sa loob ng kanilang mga bahay dahil sa pinagbawalan silang lumabas dulot ng pandemya.

Tiniyak pa ng naturang opisyal na magpapatuloy ang kanilang vaccination hangga’t may available na bakuna.