Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Philippine National Police para papanagutin ang mga taong nagkanlong kay Kingdom of Jesus Christ Leader Apollo Quiboloy.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, imposibleng makapagtago si Quiboloy nang walang tulong mula sa malalapit na tao sa kanya at legal representatives na sadyang niligaw umano ang PNP sa kinaroroonan nito.
Inatasan ni Gen. Marbil si Criminal Investigation and Detection Group director MGen. Leo Francisco na manguna sa pagkalap ng mga ebidensiya upang matukoy ang mga nagkanlong kay Quiboloy.
Kung sino man mapapatunayan, mahaharap ang mga ito sa kasong obstruction of justice.
Si Quiboloy, na nahaharap sa mga kasong child sexual abuse at qualified human trafficking, ay sumuko sa loob ng KOJC compound kasama ang apat pang kapwa akusado niti noong September 8 matapos bigyan ng 24-oras na ultimatum ng mga pulis.