Mga nag- aalaga ng baboy sa bayan ng Basud hinimok ng MAO na ipa- insured ang kanilang alaga sa PCIC

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang mga nag- aalaga ng baboy sa bayan ng Basud, Camarines Norte na i- enroll sa Free Livestock Insurance ang kanilang mga alaga sa ilalim ng programa ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Ayon kay Municipal Agriculturist Harry James Felomino kabilang sa mga covered ng insurance ay ang African Swine Fever (ASF), kagat ng iba pang hayop tulad ng ahas, alupihan at natural calamities.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Tatlumpung baboy ang maximum na pwedeng i- enroll sa insurance ng kada magsasaka, 20 heads sa fattening at 10 naman sa breeder.

Hindi saklaw ng insurance kung ang dahilan ng pagkamatay ng alagang baboy ay kapabayaan ng may ari tulad ng pagkabilad at iba pa.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang mga nagnanais na magpa- insured ay hinihimok na makipag ugnayan sa Barangay Agricultural Extension Worker (BAEW) sa kada Barangay o maaari ding magtungo sa tanggapan ng MAO.

Ayon pa kay Felomino dapat ding rehistrado sa Registry System for Basic Sector in Agriculture at may pipirmahang form sa tanggapan ng MAO.

Photos courtesy: MAO of Basud